Tagalog: Ang Dating Biblia 1Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? 2Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 3Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 4Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. 5Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. 6Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. 7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. 8Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain. Bible Hub |