Tagalog: Ang Dating Biblia 1Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon. 5At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth. 6At sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang. 7At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol. 8At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara. 9At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon. 10At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula. 11At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin. 12At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca. 13At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus. 14At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan. 15At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai. 16At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava. 17At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth. 18At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma. 19At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres. 20At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna. 21At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa. 22At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha. 23At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher. 24At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada. 25At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth. 26At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath. 27At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara. 28At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca. 29At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona. 30At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth. 31At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan. 32At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad. 33At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha. 34At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona. 35At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber. 36At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades). 37At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom. 38At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan. 39At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor. 40At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel. 41At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona. 42At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon. 43At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth. 44At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab. 45At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad. 46At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim. 47At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo. 48At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. 49At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab. 50At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi, 51Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan, 52Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako: 53At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin. 54At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin. 55Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan. 56At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo. Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain. Bible Hub |